malapit na naman sumapit ang kaarawan ko. at tuwing dumarating ang ganitong panahon, naiisip ko kung ano nga ba ang nangyari noong nakaraang taon. ito ang mga panahon na tinatanong ko ang sarili ko kung gaano ba karami ang natutunan ko at gaano karami ang naituro ko sa iba, ilang tao ba ang naimpluwensyahan ko at ilan ang nakaimpluwensya sa akin, ilang tao ang natulungan ko at ilang tao ang nakaperwisyo ako.
ito rin ang mga panahon na inaaalala ko ang mga biyayang natanggap ko at mga bagay na dapat kong ipagpasalamat sa Diyos. ito ang mga panahon na nagmumuni muni ako kung naging makabuluhan ba ang buhay ko nitong 26 na taon na nandito ako as mundo.
hindi ko masasagot ang lahat ng ito, at ang tanging mahihiling ko lang ay sana mas nakatulong ako sa mga taong nasa paligid ko kaysa sa naging pabigat at perwisyo ako. at sana sa lahat ng nakilala ko ng nakalipas na 26 taon, maaalala nila ako bilang isang biyaya na ipinagkaloob sa kanila ng Diyos.

“malapit na naman sumapit ang kaarawan ko” –thus malapit na araw ng maynila! hehee
miss u!!!
hahaha oo nga, malapit na ang araw ng maynila! miss those days na holiday pag birthday ko.
mishu too!